URDANETA CITY, PANGASINAN – Sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Urdaneta, nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng “academic health break” na magsisimula bukas ika-24 ng Enero hanggang sa ika-31 ng Enero, 2022.
Sa inilabas na Executive Order No. 2 s.2022, layunin ng nasabing academic health break na makapagpahinga ang mga estudyante at guro nang mapagtuunan ng pansin ang kanilang physical at mental health sa kabila ng nararanasang pandemya at maprotektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.
Sa nasabing deklarasyon mula kinder hanggang sa tertiary level sa pampubliko o pribado man ay suspendido ang online at on-site classes.
Ang lungsod ang ikatlo sa talaan ng Provincial Health Office Watchlist na mayroong kaso. | ifm news.
Facebook Comments