Hinimok ni Assistant Minority Leader France Castro ang Department of Education (DepEd) na magpatupad na muna ng “academic health break” sa mga lugar na nasa ilalim ng ng Alert Level 3.
Ayon sa ACT-Teachers Partylist Representative, paraan ito upang mabigyan ng panahon na makapagpahinga at makapagpagaling ang mga estudyante, kanilang magulang at mga guro na nagkasakit sa gitna ng Omicron surge.
Dagdag pa nito, ang mga public school teachers ay walang sick leave benefits sa ilalim ng kasalukuyang rules and regulations dahil sa mayroon na umanong service credits at proportional vacation pay.
Kasabay nito ay nanawagan din ang mambabatas sa DepEd na paigtingin pa ang monitoring ng COVID-19 cases sa mga guro at teacher support personnel.
Ang tamang datos aniya ay makatutulong upang maibigay ang angkop na tulong sa education sector.