Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang petsa ng opisyal na pagsisimula ang klase para sa school year 2019-2020 sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Base sa Republic Act 7797 o batas na layuning pahabain ang school calendar mula 200 at hindi hihigit sa 220 class days, ang unang araw ng pasukan ng mga public elementary at secondary schools sa bansa ay June 03, 2019.
Nakasaad din sa batas na ang school year ay dapat nagsisimula sa unang Lunes ng Hunyo pero hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.
Upang matiyak ang maayos na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa, inanunsyo na rin ng DepEd ang paglulunsad ng ‘Oplan Balik Eskwela’ (OBE) para sa school year 2019-2020.
Ang taunang aktibidad ay magsisimula sa May 27 hanggang June 7, 2019.