#AcademicBreak ng UP, minaliit ni Atty. Larry Gadon

Minaliit ni Atty. Larry Gadon ang bantang academic break ng mga sinasabing estudyante ng University of the Philippines (UP) at ng kanilang mga satellite units.

Ayon kay Gadon, maliit na porsyento lang ang mga nanawagan nito at karamihan pa ay hindi naman estudyante ng UP kundi mga leftist group.

Ani Gadon, kung tunay na mga estudyante ang mga nanawagan ay bakit sila gagawa ng aksyon na babalik sa sarili nila ang pinsala.


Huwag na aniyang sumakay ang mga lehitimong UP students sa halip ay mag-aral ng husto at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

Una na ring sinabi ni UP Vice President for Public Affairs Dr. Elena Pernia na nanggaling lamang sa mga militanteng grupo ang ingay at hindi kumakatawan sa buong pamantasan.

Nagkaroon lamang umano ng recovery break para sa linggong ito ang UP bilang pakikiisa sa pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad.

Facebook Comments