ACAP, muling nanawagan sa mga locally stranded individuals na kumpirmahin muna ang kani-kanilang scheduled flights

Nanawagan ang Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na huwag magtungo sa mga paliparan kung wala pa silang kumpirmadong flight.

Sa isang pahayag, sinabi ng ACAP na batid nila ang kagustuhan ng mga ito na makauwi sa kanilang probinsya pero may ilang mga travel restrictions mula sa Local Government Units (LGU’s) dahil sa panganib na dulot ng COVID-19.

Matatandaang patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga stranded na pasahero sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) elevated expressway kung saan ang iba dito ay inaasikaso na ng Pasay LGU.


Kasunod nito, tiniyak naman ng ACAP na nakikipagtulungan na sila sa Department of Transportation (DOTr), Civil Aeronautics Board (CAB), Manila International Airport Authority (MIAA) at iba pang ahensiya para matulungang makauwi ang mga na-stranded na pasahero.

Inirerekomenda rin ng ACAP na palaging tingnan kung may abiso ang mga airline companies kung mayroong pagbabago sa kanilang mga scheduled flights.

Facebook Comments