Mas mapapadali na ang paglalakbay patungong Busay Calabeng Falls sa Bani matapos ang konstruksyon ng access road patungo sa sentro ng pasyalan.
Natapos ang konstruksyon dalawang buwan matapos simulan noong Mayo sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program na may layuning magtayo ng access road sa mga idineklarang pasyalan.
Ang Busay Falls ay isa sa umuusbong na pook pasyalan sa Bani maliban sa mga baybayin at diving spots dahil sa minor trekking at 40 talampakan na talon.
Inaasahan naman na mas dadayuhin ang lugar na magpapaunlad sa turismo, kabuhayan at progreso sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









