ACCESS TB PROGRAM, HATID PARA SA MGA MANAOAGUENO

Hatid para sa mga residente sa bayan ng Manaoag ang isang Tuberculosis Control Program na Advancing Client Centred Care and Expanding Sustainable Services for Tuberculosis o ACCESS bukas, June 23 sa nasabing bayan.
Saklaw ng libreng serbisyong ng Tuberculosis Program ang Free screening of presumptive TB, Free Chest X Ray gayundin ang Free Xpert MTB/ Rifampin or Rif Test.
Katuwang ng lokal naman ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang The Department of Health Center for Health Development 1 sa pamamagitan ng Philippine Business for Social Progress sa pagsasakatuparan ng nasabing aktibidad.

Samantala, layunin ng programa na makahanap ng kaso ng TB hindi lamang sa mga Pangasinense pati na rin ang mga residente sa buong Rehiyon Uno.
Sa pamamagitan din nito ay tiyak ang magiging pag-aaral sa kung ano nga ba ang mga hakbangin na kinakailangang gawin at sundan at nang maipagpatuloy ang kampanya laban sa sakit ng TB. |ifmnews
Facebook Comments