Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nai-deploy na nila sa Iba, Zambales ang kanilang mga imbestigador
Kasunod ito ng pagbagsak ng Aero Commander 685 aircraft sa karagatang sakop ng Barangay Sto. Rosario sa nasabing lugar.
Kabilang sa pinadala ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) sina Col. Rommel Ronda at Ralph Fango.
Ang naturang aircraft na ino-operate ng Sentinel Logistic Air Management, may sakay na anim na mga pasahero na student pilots, marshals at isang piloto.
Na-rescue naman sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng mga mangingisda roon at agad na dinala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) para sa medical attention.
Facebook Comments