Accidental gunfire sa loob ng Comelec Command Center, nagdulot ng panic

Pasay City – Nag-panic ang mga election officials at miyembro ng media sa loob ng headquarters ng National Board of Canvassers sa Pasay City nang makarinig ng putok ng baril.

Lagpas alas-7:00 kagabi nang marinig ang isang malakas na “bang!”

Unang sinabi ng security officials na piraso lamang plywood na bumagsak mula sa kisame ang naranig.


Pero kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na nagkaroon ng “accidental firing”.

Ani Jimenez – itu-turn over sana ng isang security official na natapos na ang kanyang shift ang kanyang firearm sa kapalitan nitong officer nang hindi sinasadyang pumutok ang baril.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Ang mga security officers na nasangkot sa insidente ay inilagay sa kustodiya ng Comelec.

Facebook Comments