
Ininspeksyon ang mga accommodation establishments sa Alaminos City bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong Mahal na Araw.
Isinagawa ang tatlong araw na joint inspection at monitoring bilang bahagi ng paghahanda sa SumVac 2026.
Pinangunahan ito ng City Tourism and Cultural Affairs Office katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng mga establisyemento.
Layunin ng inspeksyon na masiguro ang pagsunod ng mga establisyemento sa mga pamantayan sa operasyon para sa kapakanan ng mga bisita.
Pinaalalahanan din ang mga turista na sumunod sa mga alituntunin, panatilihin ang kalinisan, at maging mapagmatyag sa kanilang mga personal na kagamitan upang masiguro ang maayos na pagbisita sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










