ACCOMPLISHMENTS AT PROGRAMA NG 5ID, TINALAKAY SA UP UP CAGAYAN VALLEY

CAUAYAN CITY- Ang ika-101 episode ng Tactical Operations Group 2 Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran (Up Cagayan Valley) ay matagumpay na ginanap kahapon, ika-18 ng Disyembre, sa Lungsod ng Cauayan.

Ang panauhing tagapagsalita ay si LTC Melvin Asuncion, PA Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division (5ID), ay nagbigay-diin sa mga pangunahing accomplishments at programa ng kanilang hanay para sa taong ito.

Kabilang sa mga tinalakay ang International Security Operations, Focus Military Operations, at mga nakamit ng 5ID, kabilang na ang isang malaking tagumpay—ang nalalapit na deklarasyon ng probinsya ng Cagayan bilang insurgency-free na pormal na gagawin ni Gov. Manuel Mamba sa Disyembre 30.


Ayon kay LTC Asuncion, naideklara na rin ang labing-isang bayan sa Isabela bilang insurgency-free, isang mahalagang hakbang tungo sa kanilang target na gawing insurgency-free ang buong lambak ng Cagayan sa susunod na taon.

Pinuri rin niya ang suporta ng mamamayan sa pagsugpo sa insurhensya, na aniya’y naging mahalaga sa tagumpay ng kanilang mga operasyon.

Ang mga nakamit na ito ay sumasalamin sa masinsinang koordinasyon ng militar, lokal na pamahalaan, at mga komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsulong ng kaunlaran sa rehiyon ng Cagayan Valley.

Facebook Comments