1Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ‘obligado’ na ang mga kaibigan at mga tagasuporta ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sabihin ang mga naging accomplishments at achievements nito.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na nanghihinayang siya na hindi niya nagawang mabisita at nakausap ang dating pangulo ngayong pandemya.
Bukod dito, nanghihinayang din si Robredo dahil hindi niya nasabi kay PNoy ang kanyang appreciation sa lahat ng ginawa niya para sa bansa.
Sinabi ni Robredo na kailangan nilang ihayag sa mga tao ang katotohanan hinggil sa mga nagawa ni PNoy noong siya pa ang presidente mula 2010 hanggang 2016.
Inalala rin ni Robredo si dating Pangulong Aquino na matatag na sumusunod sa rule of law.
Binanggit ni Robredo ang mga naging legasiya ni PNoy, mula sa paglaban sa korapsyon, pagtulong sa mga mahihirap, pagpapa-angat ng ekonomiya, at ilang infrastructure projects.