Ipinagtanggol ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang drug war kaya nararapat lamang na ihinto na ito.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, maraming naging accomplishments ang Anti-Illegal Drugs Campaign at mataas ang natatanggap nitong satistafaction rating sa mga nakalipas na survey.
Aniya, halos 36 na Bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska, nasa halos 200,000 drug suspects na ang naaresto.
Naging malinis o malaya mula sa ilegal na droga ang nasa 15,000 barangay sa bansa sa loob ng lamang ng dalawang taon at apat na buwan.
Binigyang diin din ng PDEA na may mga nahuhuli ding ‘high value targets’ sa ilalim ng kampanya, kabilang ang ilang miyembro ng International Syndicates.
Paglilinaw pa ng PDEA na walang drug lord sa bansa na may kaparehas na impluwensya gaya ni Mexican El Chapo at Columbian Pablo Escobar.