Account officer sa bayan ng Gumaca sa Quezon, arestado matapos makuhaan ng iligal na droga

43

Huli ang isang 29-anyos na account officer matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Gumaca Municipal Police Station.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang naarestong suspek na si Paul Ian Camino Adan na umano’y drug peddler sa residente ng Brgy. San Diego Poblacion, Gumaca, Quezon.

Naaresto ito sa mismong kanyang tinutuluyan sa Brgy. San Diego Poblacion.

Nakuha sa drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis ay ang tatlong sachet ng shabu, na nagkakahalaga ng P34,000, 0.5 na gramo ng dried marijuana leaves at 500 pesos bill na ginamit na marked money.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng Gumaca MPS at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments