Accreditation ng Grab at Uber units na ilang oras lang namamasada, ipagbabawal na ng LTFRB

Manila, Philippines – Ipagbabawal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang accreditation ng Grab at Uber units na ilang oras lang kung mamasada.

Sa Senate Committee on Public Services,, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, mahigit 20 milyong sasakyan ang laman ng mga kalsada ng Metro Manila at karatig-lalawigan araw-araw.

Iginiit pa ni Lizada na kailangan na talaga ng malinaw na guidelines sa transport Network Companies (TNC) at mga tumatakbo nilang accredited units.


Sagot naman ng Grab at Uber, may kinuha silang insurance para sa kanilang accredited driver at sa sakay nitong pasahero.

Facebook Comments