
Ibinulgar ni Senator Panfilo Lacson na ibinebenta ang accreditation ng mga kontratista ng mga government projects tulad ng flood control projects.
Sa interpelasyon sa privilege speech ni Lacson tungkol sa kalakaran ng mga ghost projects, natanong ni Senate Minority Leader Tito Sotto III kung paanong na-accredit ang ilang kontratista na kasama sa 15 contractors na tinukoy ng Pangulo na nakakuha ng malaking pondo ng flood control projects gayong nabatid na pagma-may-ari rin pala ang construction company na blacklisted na sa gobyerno.
Batay sa nakalap na impormasyon ni Lacson, nagsisimula sa P2 million ang bayad sa Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB at ito na ang bahala sa bank certifications at lahat ng requirements para sa kanilang accreditation.
Ipinunto ng senador na ganito na kasama ang burukrasya dahil ibinebenta ang accreditation ng mga kontratista na sa huli ay nababayaran din pala ang gobyerno sa mga maanomalyang proyekto.
Dahil dito, nagkasundo sina Lacson at Sotto na usisain tungkol dito ang PCAB sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.









