Accreditation ng TNVS, pinamamadali na ng grupo ng commuters safety and protection

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang grupong Lawyers for Commuters’ Safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pukpukin sa pagkuha ng accreditation ang Transport Network Vehicle Service (TNVS) na Uber, Grab at Uhop.

Sa interview ng RMN kay Atty. Ariel Inton, Founding President ng grupo – sinabi nito na libu-libo ang mga members ng TNVS na namamasada ng colorum mula sa LTFRB, kayat sa oras na masangkot sa aksidente ang sasakyan ay walang proteksiyon mula sa insurance ang mga sakay nito .

Nais din ni Inton na rebyuhin ng LTFRB ang polisiya ng TNVS.


Sa pagdinig kahapon, hindi kinansela ng LTFRB ang operasyon ng TNVS, sa halip ay pinagmulta lamang sila ng tig-limang milyong piso dahil na rin sa interest ng mga mananakay na tumatangkilik.

Pero, sinabi ni inton na kahit pinagbigyan silang mag-operate, hindi ibig sabihin na patatakbuhin na ng TNVS ang mga colorum nilang miyembro.

Facebook Comments