Accreditation ng Wellmed Dialysis Center, binawi na ng PhilHealth

31

Quezon City – Binawi na ngayong araw, June 18, 2019 ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang accreditation ng Wellmed Dialysis Center na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City.

Ito ay kasunod ng mga naisiwalat na ghost claims kung saan nagagamit ang pondo ng PhilHealth.


Matatandaan na una nang inamin kaninang umaga ni Rey Balena, tagapagsalita ng PhilHealth na hindi pa nila binabawi ang accreditation ng Wellmed dahil may proseso pa itong dinadaan.

Ikinadismaya naman si Health Secretary Francisco Duque III ang kabagalan ng proseso kaya at agad na kinausap ang OIC ng PhilHealth na si John Basa hinggil sa nasabing isyu kaya at nailabas na agad ang desisyon.

Dahil dito, inabisuhan ng PhilHealth ang mga pasyente na lumipat na ng accredited na dialysis facilities para maipagpatuloy o makuha pa din nila ang serbisyo o tulong ng PhilHealth.

Facebook Comments

From Advertisers