Pinamamadali ni Senator Francis Tolentino sa Department of Tourism (DOT) ang accreditation process para sa mga local hotels na nais ng magbalik muli sa operasyon.
Sinabi ito ni Tolentino sa DOT sa pagdinig na isinagawa ng pinamumunuan niyang Committee on Local Government ukol sa preparasyon ng local tourism industry sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Lumabas sa pagdinig na nagiging mabagal ang pagbibigay ng tourism reopening accreditation dahil sa limitadong DOT regional offices.
Giit ni Tolentino, kailangan itong solusyunan ng DOT sa lalong madaling panahon upang maibwelo na ang pagpapasigla ng local tourism sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments