Manila, Philippines – Nagpaalala ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga eskwelahan hinggil sa mga gagamiting bus sa mga isasagawa nilang field trips o educational trip.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, dapat ay mga accredited na tourist bus company ang gagamitin upang malaman nila kung sino ang mananagot sakaling magkaroon ng disgrasiya o aksidente.
Dagdag pa ni Lizada, pwede ring gamitin ang mga transport shuttles o tourist van kung saan maaari silang bumiyahe saan mang bahagi ng bansa.
Sa huli, ipinaalala rin ni Lizada na dapat i-double check ng mga school administrator ang certificate of franchise, insurance at iba pang dokumento ng gagamitin nilang service sa field trip para sa kaligtasan ng kanilang mga estudyante.