ACCREDITED NA SAMAHAN NG MGA BAGOONG MANUFACTURERS SA LINGAYEN, PINATATAG

Pinatatag ang ugnayan ng mga bagoong manufacturer sa bayan ng Lingayen matapos ang pormal na pagbuo ng bagong liderato at balangkas ng pamunuan ng Lingayen Bagoong Manufacturers Association.

Isinagawa ang halalan upang pag-isahin ang mga lokal na prodyuser ng bagoong sa ilalim ng isang accredited organization na magsisilbing kinatawan ng kanilang sektor sa bayan.

Layunin nitong magkaroon ng iisang boses at direksyon ang mga manufacturer lalo na sa mga aktibidad na may kaugnayan sa industriya.

Nakatakda ring ilunsad ang asosasyon sa Bagoong Festival 2026 na gaganapin mula Marso 18 hanggang 20. Inaasahang manunumpa sa tungkulin ang mga bagong opisyal sa naturang selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments