Accuracy ng saliva test, pinag-aaralan ng RITM

Pinag-aaralan pa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang accuracy ng saliva test bilang alternatibo sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test para sa COVID-19.

Kasunod ito ng insyatibo ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagsasagawa ng drive thru RT-PCR saliva test.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat maunawaan ng lahat na ang pagpayag nilang gamitin ang saliva test ay may kaakibat na kondisyon.


Aniya, kulang pa ang pag-aaral sa paggamit ng saliva test kaya mahalagang matutukan ito ng mga eksperto.

“Kasi nga po iyong kanilang nagawang pag-aaral ay iyon pong mga positive na napag-aralan nila doon na samples ‘no noong ginawa iyong kanilang pag-aaral ay medyo kulang pa. Kaya ang usapan po with the Philippine Red Cross, for every 100 specimens that they will do, they will need to submit ‘no dito po sa RITM so that we can be able to properly monitor at makita natin kung tuluy-tuloy talagang nagiging accurate pa itong saliva as alternative specimen,” ani Vergeire.

Maliban dito, sinabi ni Vergeire na dedepende sa resulta ng pag-aaral ng RITM kung paborable itong gamitin para sa ibang laboratoryo sa buong bansa.

“Inaantay lang po natin ang RITM na makapag-release ng kanilang resulta for their validation study so that we can also be able to apply this or use this in the other laboratories of the country,” sabi ni Vergeire.

Facebook Comments