Vina-validate pa ng Department of Health (DOH) kung talagang nagbibigay ng accurate results ang anal swab para sa COVID-19 testing na napaulat na ginagawa na sa China.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pang dumaan sa validation ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang technology ng anal swabbing at dapat maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) kung gagawin sa bansa.
Aniya, inconvenient kasi para sa ite-test at sa health workers ang proseso para rito.
Una nang lumabas ang ulat, mas tumatagal ang virus sa anus ng tao kaysa sa respiratory tract.
Facebook Comments