Pasado alas dos ngayong hapon, May 11, 2022 nang sumiklab ang sunog sa bahay-kalakal na pagmamay-ari ni Ginang Jovelyn Tumlos.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Gng Tumlos, base aniya sa pahayag ng kanyang mga trabahador, nakita na lamang na umaapoy na ang ilan sa mga kalakal na malapit sa gilid ng kalsada.
Agad itong ginamitan ng dalawang fire extinguisher ng may-ari ng junkshop subalit hindi kinaya ang apoy kaya agad ding itinawag sa BFP Cauayan.
Ayon kay Gng Tumlos, bago ang insidente, nagcu-cutting aniya ng bakal sa harapan ng junkshop ang isa nitong tauhan gamit ang acetylene kung saan posible aniyang natalsikan ng baga yung mga strap ng sako kaya umapoy at tuluyang kumalat.
Rumesponde naman sa lugar ang limang fire truck at tumagal ng halos isang oras bago naideklarang fire-out.
Tinatayang aabot naman sa mahigit kumulang 400k ang halaga ng pinsala ng sunog.
Walang naiulat na namatay o nasugatan sa nangyaring insidente.
Ayon pa kay Gng. Tumlos, aksidente aniya ang sunog kaya hindi na nito pananagutin ang kanyang mga trabahador.