Acid attack suspect sa London, arestado na!

London – Natimbog na ng mga otoridad ang teenager na responsable sa acid attack sa London.

Ayon sa East London Police – limang tao ang sinabuyan ng asido sa iba’t ibang parte ng katawan ng hindi pa pinangalanang suspek sa London Borough of Hackney at Islington.

Kritikal naman ang kondisyon ng isa sa mga biktima na sa mukha nasabuyan.


Habang ang iba ay nagpapagaling na sa ospital.

Facebook Comments