
Nagbitiw ngayon bilang miyembro ng Kamara si ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap.
Nakasaad ito sa isang liham ni Yap na ini-anunsyo sa plenary session ngayong hapon ng Kamara.
Bunsod nito ay inatasan ang House Secretary General na alisin na si Yap sa roll of members ng House of Representatives.
Magugunitang kamakailan ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na na-freeze na ang assets ni Yap dahil sa pagkakasangkot nito sa maanumalyang flood control projects.
Facebook Comments










