Hiniling ng isang grupo ng mga guro sa Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang bayad sa mga guro na patuloy na nagsilbi kahit tapos na ang halalan.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio, may 10,000 guro sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang nagsilbi lagpas sa araw ng halalan, lalo sa mga lugar na nagkaroon ng aberya.
Sabi naman ni Comelec Director for Education and Information Division (EID) Atty. Frances Arabe, bukas sila sa panawagang dagdag-bayad para sa mga guro.
Facebook Comments