Manila, Philippines – Dumulog sa Court of Appeals ang Alliance of Concerned Teachers para hilingin na ipatigil ang Philippine National Police sa anila ay ginagawa nitong profiling sa kanilang organisasyon.
Ayon sa grupo, dapat ma-revoke ang umiiral na memorandum ng PNP kung saan inililista ng mga pulis ang mga guro na pinaghihinalaang miyembro ng progresibong grupo.
Ayon kay Joselyn Martinez, Chairperson ng ACTS, malinaw na nalalabag ng profiling ang kanilang ‘rights to free expression, association at privacy’.
Kasama sa respondents sa petisyon sina PNP Chief Oscar Albayalde, Police Intelligence Director Gregorio Pimentel, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at ang sampung police regional directors ng PNP sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions I, III, IV-A, IV-B, V, VI, X at XIII.