Hinimok ng Alliance of Concerned Teacher (ACT) Philippines na ilabas ang resulta ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) ng lahat ng paaralan sa buong bansa.
Ayon kay ACT Philippines Presidential Joselyn Martinez, dapat hindi i-single out na ang mga mag-aaral sa Bicol ay hindi marunong mag basa.
Aniya, kailangan makita ng publiko ang performance ng iba pang paaralan ng bansa.
Sangayon naman siya sa sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na unfair ito para sa mga magaaral sa Bicol, pero maaari rin aniya na totoo ito sa buong bansa.
Sabi niya na baka mas malala pa ito sa mga mahihirap at mga liblib na paaralan.
Kaya naman payo niya sa pamunuan ng DepEd na huwag maging balat sibuyas, bagkus, sulosyonan ang problema na nakaka ambag sa dahilan kung bakit hindi maronong magbasa ang isang batang magaaral.
Matatandaan, inilabas ang resulta ng Phil-IRI na 70,000 na mga magaaral sa Bicol Region ay hindi maronong magbasa ng English at Pilipino.