ACT Philippines, kinondena ang pagkasama ng apat na guro sa Bataan

ACT Philippines, umalma matapos mapasama ang apat na guro sa Bataan sa listahan ng pulis bilang mga rebelde.

Pumalag ang Alliance of Concerned Teacher o ACT Philippines matapos mapasama ang apat na mga guro sa Bataan sa listahan ng pulis ng nasabing probinsya bilang mga rebelde.

Ayon kay ACT Philippines General Secretary Raymond Basilio, ito ay paglabag sa karapatan at kalayaan ng mga nasabing guro.


Inilagay aniya nila sa kapahamakan ang mga buhay nito.

Ipinaliwanag niya na ang nasabing profiling sa apat na mga guro ay nanatiling illegal at nilalabag nito ang Data Privacy Act of 2012.

Panawagan niya pamunuan ng Department of Education o DepEd na proteksyonan ang mga guro na miyembro ng Teacher-Unionists.

Dapat aniya gumawa ang DepEd ng mga hakbang upang matiyak na may proteksyon ang lahat ng Grupo ng mga guro sa bansa laban sa lahat ng uri ng terrorist-tagging.

Tumanging ibigay naman ni Basilio ang mga pangalan ng mga guro, alang-alang anya sa kaligtasan nila.

Facebook Comments