ACT, planong magsampa ng reklamo laban sa PNP

Manila, Philippines – Plano ng grupong Alliance of Concern Teacher o ACT na magsampa ng reklamo laban sa Philippine National Police (PNP) dahil sa paniniktik ng mga pulis sa kaniyang hanay.

Ayon kay ACT Philippines Chairperson Jocelyn Martinez, pinag-aaralan na ng nila kung ano ang kasong puwede nilang isampa laban sa PNP.

Aniya, maituturing na ang pag-profile sa kanilang mga miyembro ay isang tokhang list ng pulisya o iyong listahan ng mga hinihinalang dawit sa droga.


Nauna nang sinabi ng ACT na mayroong mga intelligence operative ng PNP na nag-iikot sa mga paaralan sa iba’t-ibang panig ng bansa at pinatutukoy sa mga paaralan kung sino ang mga gurong miyembro o may kaugnayan sa ACT.

Facebook Comments