Nagbanta si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na tantanan ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga guro na miyembro ng ACT Teachers.
Ito ay matapos magbanta si Albayalde na tatanggalan ng Teaching License ang mga guro na miyembro ng ACT.
Giit ni Tinio, lubayan na ni Albayalde ang mga ACT members sa pag-tag sa mga ito na terorista.
Aniya, ang mga miyembro ng ACT ay mga simpleng guro at unionists at hindi mga terorista.
Nakakahiya aniya ang PNP Chief dahil ito pa ang nangunguna sa pambubully at pagte-terrorize sa mga ACT members gayong aminado naman pala ang opisyal na wala silang pruweba o patunay na sangkot sa rebelyon ang mga guro.
Facebook Comments