
Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio sa mga kinauukulang ahensya na bilisan ang pagproseso at pagpapalabas sa 2023 Performance-Based Bonus o PBB na matagal nang hinihintay ng mga pampublikong guro.
Sinabi ito ni Tinio makaraang ihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa briefing sa Kamara ng Development Budget Coordination Committee na aprubado na at hinihintay na lang ang pirmadong resolusyon mula sa technical working group upang mailabas ang pondo para sa PBB ng mga guro.
Ayon kay Tinio, bagama’t inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release sa pondo ay may iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno ang hindi pa umaaksyon para agad itong maipatupad.
Magugunitang unang idineklara na hindi karapat-dapat ang Department of Education (DepEd) para sa 2023 PBB dahil sa mababang grado sa ilang performance indicators.









