Acting Chief Nartatez, nagpasalamat sa mapayapang pagsasagawa ng Trillion Peso March sa buong bansa kahapon

Nagpahayag ng pasasalamat si Philippine National Police Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa mga organizer, marshal, at sa mga lumahok sa Trillion Peso March na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon.

Ayon sa PNP, naging mapayapa ang isinagawang pagtitipon dahil na rin sa responsable at disiplinadong paglahok ng publiko.

Kaugnay nito, pinuri ni Nartatez ang lahat ng police units na nagserbisyo simula sa preparasyon hanggang sa clearing operations sa mga lugar na dinausan ng nasabing mapayapang kilos-protesta.

Binigyang-diin naman ni Acting PNP Chief na ang nasabing mapayapang pagtitipon ay dahil na rin sa pagkakaisa ng mamamayan at ng tagapagpatupad ng batas.

Sa tala ng ahensya, nasa 87 na aktibidad ang namonitor sa buong bansa, kung saan nasa mahigit 55,000 ang nakilahok, at opisyal na natapos pagsapit ng alas-7 ng gabi, kahapon.

Facebook Comments