Manila, Philippines – Ipinaubaya na ni Acting COMELEC Chairman Christian Robert Lim ang desisyon kay Pangulong Duterte kung si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang pipiliin ng Pangulo na ihalili kay resigned COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Lim, prerogative ng Pangulo kung sino ang itatalagang COMELEC Chairman dahil mayroong impormasyon siyang natanggap na si Panelo ang maaaring papalit kay Bautista bilang chairman ng COMELEC.
Una rito, napili ng 5 COMELEC Commissioner si Lim bilang acting Chairman habang wala pang napipili ang Pangulo na papalit kay Bautista.
Paliwanag ni Lim, ayaw sana nitong tanggapin ang OIC dahil malapit na siyang magretiro sa Pebrero 2018 pero tinanggap niya ang naturang posisyon dahil sa inaashan nito sa loob ng linggong ito ay papangalanan na ng Pangulo ang uupong COMELEC Chairman.