Iyak, galit, tawa, at iba pang emosyon ang bumuhos sa drama workshop na Acting iScool ng iFM Dagupan katuwang ang Unique Toothpaste.
Gaya ng mga naunang Acting iScool na isinagawa ng iFM Dagupan noong nakaraang taon, limampung mag-aaral sa Junior High School ng Dagupan City National High School ang sumailalim sa drama workshop nitong nakaraang Biyernes, August 15, 2025 sa pangunguna ng Dear iFM host na si idol Ruru Hugutero.
Dito ay nabigyan ng kaalaman ang mga kalahok na estudyante sa kung paano sumulat ng kwento para sa drama sa radyo.
Matapos mapanood ang ating mga resource speakers, agad namang nagpakitang gilas sa script writing at live radio drama ang mga estudyante na hinati sa limang koponan na mayroong sampung miyembro.
Sa naturang patimpalak ay nakapag-uwi ng cash prize ang mga ito kasama na rin ang gift pack mula sa event partner natin, ang Unique Toothpaste ng ACS Manufacturing Corporation.
Ang Acting iScool ay isa lamang hakbang upang mas lalo pang mapalaganap ang industriya ng radio drama ay buhay na buhay pa rin at patuloy na nagbibigay entertainment sa mga tagapakinig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









