Matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting Secretary ng National Economic Development Authority (NEDA) si Karl Kendrick Chua.
Binigyan ito ng marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque mandato ng Pangulo kay Secretary Chua ay ipatupad sa lalong mabilis na panahon ang national ID system.
Matatandaang makailang ulit sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati na kung nagagamit na sa ngayon ang National ID system hindi na mahihirapan ang pamahalaan sa pamamahagi ng financial assistance sa mga tinaguriang poorest of the poor families.
Maliban dito pinaghahanda rin si Chua ng Pangulo ng economic recovery plans at pangatlo, ang mas mabilis at mas mabuting pag-implementa ng mga Build, Build, Build projects sa pamamagitan ng Investment Coordination Committee.
Kung maaalala, nitong April 17 itinalaga ng Pangulo si Chua sa NEDA matapos magbitiw sa pwesto si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil umano sa personal reasons at pagkakaiba-iba sa pilosopiya sa ibang miyembro ng Gabinete.