
Inatasan ni acting Philippine National Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga lokal na units ng pulisya sa bansa na magsagawa ng regular at surprise inspection sa mga tindahan, bodega, at imbakan ng mga paputok.
Ayon kay Nartatez, ay paiigtingin ng ahensya ang pagpapatrolya sa mga komunidad, pampublikong pamilihan, at mga online platform kung saan kadalasang ibinebenta ang mga iligal o pinagbabawal na mga paputok.
Kaugnay nito, nagbabala naman si Nartatez sa mga nagbebenta ng ilegal firecrackers na hindi magdadalawang isip ang ahensya na magsampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 7183, o Firecracker Law at iba pang kaugnay na regulasyon.
Dagdag pa nya, na pananagutin din ng ahensya ang mga police commanders na mabibigong magpatupad ng nasabing patakaran.
Samantala, hinimok rin ng PNP ang mga local government units na magtakda ng firecracker zones sa kanilang mga nasasakupan.









