Acting PNP Chief Nartatez, nagsagawa ng ocular inspection sa display area ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan

Sa isinagawang ocular inspection sa display area ng mga paputok sa Bocaue, sinabi ni Acting PNP Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., na mahigpit na binabatanyan ng Philippine National Police (PNP) katuwang ng pamahalaang lungsod ng Bulacan ang bentahan ng ilegal na paputok.

Sa panayam ni Nartatez sa mga nagtitinda ng paputok, tumaas umano ang presyo dahil na rin sa pagtaas din ng halaga ng mga materyales nito.

Ayon naman sa tindera malungkot ang bentahan ngayon ng paputok kumpara noong nakaraang taon dahil na rin sa mga kompetensya sa mga online selling at sa maulan na panahon.

Ipinaskil naman ng PN, kasama ng Lungsod ng Bulacan, ang mga halimbawa ng mga ilegal at legal na paputok.

Kabilang sa inilagay ng ahensya legal na paputok ay ang:
• V Light
• 5 Colors
• Roman Candle
• 3 Star
• Jumbo Silver
• Crackling
• Super Jumbo Crackling
• Tungkod
• Small Gold
• Batibot
• Super Jumbo
• Higaf
• Whisky
• Sparklers
• Kwitis

Samantala sa ilegal na paputok ay ang:
• Kabase
• Kwiton Bomb
• Coke in Can
• Atomic Bomb
• Giant Atomic
• Goodbye Philippines
• Binladen
• Plapla
• Goodbye Chismosa
• Carina
• Ulyssis
• Yolanda
• Pepito
• Tuna
• Piccolo
• Kingkong
• Dart Bomb

Nasa listahan rin ng ILEGAL na paputok ang :
• Watusi
• Piccolo
• Poppop
• Five Star (Big)
• Lolo Thunder
• Giant Bawang
• Giant Whistle Bomb
• Atomic Triangle
• Large size Judas Belt
• Super Lolo
• Goodbye Bading
• Pillbox
• Goodbye Delima
• Hello Columbia
• Goodbye Napoles
• Mother Rockets

At lahat ng mga paputok na overweight na tumitimbang ng higit sa 1/3 teaspoon o higit 0.2 gram ay pinagbabawal din.

Habang pinagbabawal din ang mga paputok na may fuse na nasusunog ng hindi bababa ng tatlong segundo at hindi rin sosobra ng anim na segundo.

Samantala, patuloy naman ang pakikipag-coordinate ng PNP sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Fire at Department of Trade and Industry (DTI) at pinaiigting naman ng Anti-Cybercrime Group ang operasyon nito laban sa mga ilegal na nagbebenta ng paputok online.

Nagpaalala naman si Bulacan Governor Daniel Fernando sa publiko na pumili ng legal na paputok at sundin ang tamang paggamit sa mga ito.

Facebook Comments