Cauayan City, Isabela – Pormal na pinasinayaan ang Activation Ceremony at pagbubukas ng Organizational Training ng 95th Salaknib Infantry Battalion ngayong araw, April 10, 2018 sa Camp Melchor f. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Major General Perfecto Rimando Jr., Division Adjutant, Infantry Phil. Army Leutenant Colonel Walfrido Felix Querubin, Chief of Staff Col. Laurence Mina, Lt.Col. Martine Diaz, Asst. Chief of Staff for Education and Training, OIC, 5DTS Capt. Ranger a. Cerilo at ang bagong talagang Acting Commanding Officer (ACO) ng 95th IB na si Lt.Col Nolito Quemi.
Sa pagdalo ng RMN Cauayan News Team sa naturang aktibidad, pinasalamatan ni ACO Quemi si Major General Rimando Jr. sa pagtitiwala nito na siya ang italaga na manguna sa 95th Salaknib Battalion.
Ayon sa kanya ang pagiging Comanding Officer ay isa umano sa pinakamalaking responsibilidad na dapat gampanan na nangangailangan ng sipag, tiyaga at pagkakaisa upang maabot ang tagumpay.
Samantala, halos kalahati sa miyembro ay galing pa ng Jolo at ang kabuuang bilang ng 95th Salaknib Infantry Battalion ay nasa 406 o apat na raan at anim na miyembro at labing walo rito ay mga opisyal.
Ipinaalala naman ni Lt. Col. Quemi sa mga sundalo ang katagang “Know our Job, Do our Job and Love our Job” dahil ayon sa kanya ay ito umano ang daan upang magkaroon ng maayos at matagumpay na kooperasyon sa pagbuo ng kanilang legacy.