Activation ng El Niño Oscillation Online Platform, iniutos ni Pangulong Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang activation ng El Niño Oscillation Online Platform (ENOP) para matutukan at maunawaan ang sitwasyon ng El Niño at La Niña sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum, ang ENOP ay isang online platform na ginawa ng pamahalaan para matugunan ang limang pinakaapektadong sektor ng El Niño at La Niña tulad ng pagkain, tubig, kalusugan, public safety, at enerhiya.

Maaaring ma-access ang website sa enop@ndrrmc.gov.ph para magkaroon ng karagdagang impormasyon ang iba’t ibang sektor tungkol sa ginagawang hakbang ng pamahalaan.


Bukas din ang ENOP para sa mga nais magbigay ng suhestiyon at solusyon na madaling ma-accommodate sa pamamagitan ng isang dashboard.

Samantala, may ekslusibong dashboard naman para sa mga lokal na pamahalaan kung saan maaari silang magsumite ng detalyadong report na maaring gamitin ng national government para angkop na pagtugon sa El Niño at La Niña.

Facebook Comments