Active Cases ng Cauayan City, Malaki ang Ibinaba

Cauayan City, Isabela- Bumaba sa 308 ang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod ng Cauayan mula sa dating bilang na 407 na naitala noong April 24, 2021.

Batay sa pinakahuling tala ng City Health Office ngayong araw, April 26, 2021, gumaling na sa COVID ang nasa 110 na mga tinamaan ng nasabing sakit kaya’t malaki ang ibinaba ng bilang ng aktibong kaso.

Mayroon namang labing isa (11) na naitalang bagong positibong kaso subalit hinihintay pa ang kanilang mga CV Codes na manggagaling sa Department of Health (DOH).


Wala namang naitala na namatay sa COVID-19 ang Lungsod ngayong araw.

Sa kasalukuyan, sumasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) Bubble set up ang Lungsod na magtatagal hanggang May 2, 2021.

Muling pinapaalalahanan ang lahat na sumunid sa mga panuntunan at kung makaramdam ng sintomas ng COVID-19 ay mangyaring makipag-ugnayan sa mga BHERTs sa barangay.

Facebook Comments