Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa apatnaput dalawa ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Lungsod ng Cauayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cauayan City Health Office o CHO, batay sa kanilang pinakahuling datos noong August 15, nasa 42 na ang tinamaan ng Coronavirus kung saan dalawamput lima sa mga ito ay naka home isolation habang ang labingpito naman ay naka-admit sa ospital.
Nasa mild to moderate symptoms ang karamihang nararanasan ng mga nagpositibo at karamihan din sa mga ito ay bakunado.
Local transmission o nakuha sa labas ng kanilang bahay ang nakikitang dahilan ng CHO sa pagkakatala ng positibong kaso ng COVID-19 dito sa Siyudad ng Cauayan.
Patuloy naman umano ang ginagawang monitoring ng mga kawani ng City Health Office sa mga nagpositibo.
Facebook Comments