Cauayan City, Isabela- Tatlumpu’t lima (35) na lamang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Ilagan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, nasa 35 na ang active cases sa Lungsod kung saan umabot na sa 462 ang total recovered cases mula sa 510 na bilang ng naitalang kabuuang kaso.
Ibinalik na rin noong October 30, 2020 sa Modified General Community Quarantine ang Lungsod matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Bagamat bumalik na sa MGCQ ang Lungsod ng Ilagan kung saan pinayagan na muling bumyahe ang mga traysikel ay pampasaherong dyip ay mahigpit pa rin ang kanilang pagpapatupad sa curfew hour hour mula sa oras na alas 12:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw at pagpapatupad sa health and safety protocols konta sa virus.
Mula naman sa 12 quarantine facilities sa Lungsod ay nasa anim (6) na lamang ang minementain dahil sa mabilis na paggaling ng mga nagpositibo at pagbaba ng mga naitalalang panibagong kaso.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang contact tracing ng lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.