Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Pababa nan ang Pababa

14

Cauayan City, Isabela- Pababa na nang pababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa report na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 26, 2021, bumaba sa 538 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 kahit pa nakapagtala ng 41 na panibagong kaso.

Nadagdagan din ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 kung saan nakapagtala muli ang probinsya ng 33 na newly recovered cases.


Nananatili naman sa 2,036 ang total COVID-19 related deaths ng probinsya dahil wala namang naiulat na bagong kaso ng nasawi.

Sa ngayon, mayroon ng 60,400 na total cumulative cases ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments