Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Pumalo na sa higit 300

291

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 363 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ngayong araw.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may naidagdag sa bilang na 68 ngayong araw at pawang malaki ang naihanay sa lungsod ng Ilagan na umabot sa 34 at mayroon na ngayong 180 ang active cases nito.

Ilan naman sa iba pang bayan na may dagdag na kaso ng virus sa Isabela ay ang Gamu na may 27, Alicia 1, Cauayan City 5 at Santiago City 1.

Sa bilang na 363, tatlo ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROFS), 37 ang Locally Stranded Individuals (LSI), 32 ang mga Health Workers at 291 ay kinabibilangan ng local at community transmission.

Muli namang hinihimok ang publiko na ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield at umiwas sa matataong lugar.

Facebook Comments