Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Sumampa sa 714; Total Deaths, Tumaas

Cauayan City, Isabela- Lalong tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 14, 2021, sumampa na sa 714 ang aktibong kaso ng probinsya matapos madagdagan ng limampu’t isang (51) na panibagong kaso.

Mula sa naitalang bagong kaso, ang dalawampu’t dalawa (22) rito ay naiulat sa Lungsod ng Santiago; sampu (10) sa bayan ng Luna; pito (7) sa Lungsod ng Cauayan; tatlo (3) sa Alicia; tig-dadalawa (2) sa Aurora at San Agustin at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Angadanan, Cabatuan, Quirino, San Mariano at San Mateo.


Mayroon namang limampu’t dalawang (52) bagong gumaling sa sakit na nagdadala ngayon sa bilang na 5,174 total recovered cases.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 6,005 ang kabuuang bilang ng naitalang positibong kaso sa Isabela kung saan 117 rito ang nasawi.

Mula sa bilang aktibong kaso, 584 rito ay Local Transmission; 91 health workers, dalawampu (20) na Locally Stranded Individuals; labing walo (18) na kasapi ng PNP at isang Returning Overseas Filipino (ROFs).

Facebook Comments