Active Cases ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, Bumaba sa 35

Cauayan City, Isabela- Nasa tatlumpu’t limang (35) aktibong kaso na lamang ng COVID-19 ang natitira sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na tinaguriang epicenter ng Coronavirus Disease sa rehiyon dos.

Sa ibinahaging impormasyon ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer, bagamat bumaba ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya ay muli namang nakapagtala ng tatlong (3) panibagong kaso ng COVID-19 ang Nueva Vizcaya na naiulat mula sa bayan ng Bagabag, Bambang at Solano.

Pero, kasabay ng tatlong bagong kaso ay nakapagtala naman ng labing isang (11) panibagong bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.


Sa kasalukuyan, ang probinsya ng Nueva Vizcaya ay nakapagtala ng 584 na kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, 35 ang aktibo, 532 ang gumaling habang labing pito (17) ang nasawi.

Facebook Comments