1,641 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa ngayon, ito ang pinakamababang bilang matapos na maitala ang pinakamalaking bilang ng mga aktibong kaso noong March 31, na mahigit sa 3,300.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga aktibong kaso, 49 ang nagpapagaling sa mga ospital.
Habang 780 naman ang naka-isolate sa treatment centers ng PNP, at 812 naman ang nasa iba’t ibang quarantine facilities.
Sa kasalukuyan ay 20,616 na ang mga tauhan ng PNP na infected ng COVID- 19, kung saan 18,919 ang gumaling at 56 na ang namatay.
Facebook Comments