Cauayan City, Isabela- Tumataas ngayon ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Quirino.
Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, umakyat na sa 267 ang aktibong kaso sa probinsya habang walo (8) na ang naitalang namatay dahil umano sa COVID-19.
Sa data bulletin ng PHO Quirino, may pinakamataas pa rin na bilang ang naitala ng bayan ng Diffun na umabot sa 108; sinundan ng Cabarroguis na 48, Maddela na may 46; Nagtipunan na nakapagtala ng 30, Aglipay na mayroon namang 22 at Saguday na 13.
Kaugnay nito, 449 ang cumulative cases at 174 ang naitalang nakarekober na sa sakit.
Samantala, nagpatupad na rin ang nasabing mga bayan ng calibrated lockdown sa mga barangay na apektado ng pagkalat ng sakit.
Paalala ng mga pamahalaan sa publiko na ugaliin ang pagsunod sa minimum health standard upang maiwasan ang hawaan sa sakit.